GMA Faces More Coup in 2008; Pacman Falls
More coup attempts will be launched against Philippine President Gloria Macapagal-Arroyo (PGMA) this year based on predictions. Philippine boxing idol Manny Pacquiao could lose in a title bout in 2008. More about predictions for the Year of the Earth Rat just read the Pilipino version about this article:
Prediksyon sa 2008: GMA uulanin pa rin ng kudeta, Pacquiao matatalo sa boxing
Ni Rose Tamayo-Tesoro
Tuesday, January 1, 2008
Magiging masalimuot o maligalig umano at puno ng matinding dagok ang buhay-pulitika ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung saan ay uulanin ng coup-de-etat ang termino nito sa taon ng mga daga o 2008 samantalang magi ging maganda naman ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa loob ng taong ito.
Makakaranas rin umano ang ating bansa ng mga matinding trahedya sa himpapawid, lindol, pagguho, bagyo at pagbaha.
Habang si boxing champ Emmanuel “Manny” Pacquiao ay makakaranas umano ng pagkatalo sa boxing sa taong ito kasabay din umano ng unti-unting pagbagsak ng kanyang boxing career.
Hindi rin umano maswerte para kay Pacquiao na ipinanganak sa “year of the horse” ang 2008 sa larangan ng business, acting at film industry.
May isa namang mataas na opisyal din ng gobyerno ang mamamatay sa matin ding karamdaman habang may mga bantog o celebrity couples umano na maghihiwalay sa nasabing taon.
Ang lahat ng mga nabanggit ay ilan lamang sa mga naging “fearless forecast” ng ilang mga bantog na psychic, astrologers, feng sui experts at religious consultants para sa 2008.
Batay sa naging forecast ng bantog na spiritual consultant na si Maricel Gaskel, makakaranas ng matinding hambalos sa kanyang panunungkulan sa loob ng taong 2008 si Pangulong Arroyo na ipinanganak rin sa “year of the rat”.
Sinabi pa ni Gaskel na hindi tatantanan si Pangulong Arroyo ng mga kalaban at kritiko nito sa pulitika sa pagtatangkang pag-agaw sa kanyang kapang yarihan at pagpatalsik sa kanyang pwesto, kasabay ng paglunsad ng kudeta.
Ayon pa kay Gaskel, bagaman magiging masalimuot ang buhay-pulitika ng Pangulo, malalampasan niya ito at kanyang mata tapos ang kanyang termino bilang chief executive ng bansa hanggang sa 2010.
“The president is a strong person at matatapos niya ang kanyang termino bilang Pangulo hanggang sa 2010.
Magiging mortal na kalaban pa rin umano ng Pangulo ang nakakulong na si Sen. Antonio Trillanes at hindi umano ito titigil sa tangka nitong pagpapabag sak sa una bagama’t hindi umano magtatagumpay ang huli sa kanyang layunin.
Si Trillanes na ipinanganak naman sa “year of the ox” na matinding kalaban naman ng mga ipinanganak sa “year of the rat” na tulad ng Pangulo.
Ayon pa kay Gaskel, magkakaroon din ng matindi at malawakang balasahan sa executive department ng gobyerno.
Mahahati o magkakawatak-watak naman umano ang opposition at uusbong mula rito ang isa pang partido ng opposition.
Ayon naman kay Madam Suzette Arandela na isang psychic at feng sui expert, magkakaroon ng malakas na lindol, landslides, bagyo at mga bombings sa iba’t ibang panig ng bansa sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo at Setyembre ng 2008.
Si dating Pangulong Joseph Estrada naman umano ay mararatay sa heart ailment samantalang ang biyuda ng namayapa at kumpare nitong si Fernando Poe Jr. na si Susan Roces ang mahigpit na makakabangga nito sa pulitika habang patuloy umanong tutulong ang una sa mga kapus-palad na mamamayan ng bansa.
Pwede rin umanong gamitin si Susan ni Erap sa pulitika sa 2010, habang ang una naman ay may posibilidad din umano na gamitin ng administrasyon sa pulitika.
Ayon naman sa astrologer na si Malou Lamoste, tataas ang bilang ng aksidente sa taong ito dahil sa init ng ulo, habang hindi umano maganda ang taong ito para sa mga homosexual dahil marami sa mga ito ang makakaranas ng depression na posibleng ma uuwi sa pagpapakamatay.
Sinabi pa ni Lamoste na dapat iwasan ang mag-isip ng negatibo, pagiging hardheaded, maawain sa sarili at kung maaari ay lumabas at magpainit sa araw para magkaroon ng positive energy at lapitan ng swerte.
Magiging maganda ang ekonomiya ng bansa sa 2008 ayon pa kay Lamoste at an
gkop ang taong ito sa pagne-negosyo sa larangan ng real state, pagpapaganda, computer internet, mechanical o machineries, habang malas naman daw para sa nasa negosyo ng tubig at soda.
Si Pangulong Arroyo naman umano ay madadala sa pagamutan sa taong ito dahil sa stomach ailment habang kinakailangan ng una na mag-ingat sa mga taong nakapalibot sa kanya at mas magiging masahol rin umano ang red tape sa gobyerno. Maswerte na man umano ang pulitika sa taong ito para sa lahat ng mga kababaihan habang sa industriya naman ng puting-tabing, ang actress naman umano na si Regine Velasquez ay mabubuntis sa taong ito.
1 Comments:
hi...i wander if you have any contact details of Mr. Jaime Licauco and Ms. Maricel Gaskel.Just need to seek for their help.pls msg me through my email princess_cutee04@yahoo.com...tnx
Post a Comment
<< Home